Manila, Philippines – Nasunog ang isang residential area sa Legarda, Sampaloc Maynila.
Nagsimulang insidente sa bahagi ng Delgado at Delos Santos Street sa Barangay 402 bandang 6:00 ng gabi kung saan agad na itinaas sa task force alpha ang sunog dakong 7:31 ng gabi.
Dahil sa laki ng sunog, nadamay ang bahagi ng University of Manila – College of Law building.
Tinatayang nasa 500 pamilya ang naapektohan at nasa 80 bahay ang natupok.
Pasado alas-10:00 ng gabi ng ideklarang fire under control ang sunog at inaalam pa ang sanhi nito na sinsabing nagsimula sa paupahan ni Robert Baitec.
Facebook Comments