Sunog sa Bagong Bario, Caloocan City, fire out na

Naapula na ang sunog na sumiklab sa Balagtas St. Barangay 143 Bagong Bario, Caloocan City kaninang 10:55.

Umabot sa first alarm ang sunog bago naapula 11:33.

Sumiklab ang apoy sa fifth floor ng isang five story residential bldg sa Balagtas St. Barangay 143 Caloocan City


Ayon kay Caloocan City Fire Marshall Supt. Stephen Requina, ang naturang residential building ay pag-aari ni Susan Asisico.

Wala namang nagungupahan sa naturang gusali.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Caloocan ang pinag mulan ng apoy at halaga ng pinsala ng sunog.

Facebook Comments