Sunog sa blk.5 205 E. Rodriguez Sr. Ave Brgy. Damayang Lagi QC , idineklara nang fire out

Ala-singko ng hapon kanina nang ideklarang fire out ng   Bureau of Fire Protection ang sunog na sumiklab sa blk.5 205 E. Rodriguez Sr. Ave Brgy. Damayang Lagi QC .

 

Abot sa sa 750 na pamilya ang walang masisilungan ngayon matapos na tupukin ang nasa 250 na kabahayan.

 

1:33pm  nang ireport ang sunog na nagsimula sa isang tatlong palapag na bahay na pag aari ng  isang Sonny Casas.


 

Naging pahirapan ang pag apula sa apoy dahil sa mahinang pressure ng tubig  at pinapaypayan pa ng malakas na ihip ng hangin ang napakalaking apoy kung kayat itinaas sa general alarm ang sunog.

 

Isinara sa mga motorista  ang kahabaan ng  E. Rodriguez avenue para bigyan daan ang pagresponde ng mga fire trucks.

 

Sugatan naman ang isang 36 anyos na si Larry Lasiga na nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng noo.

 

Dumating mismo sa lugar si BFP Director Leonard Bañago upang pamunuan ang pag apula sa sunog.

 

Hindi pa malaman kung ano ang sanhi ng nangyaring sunog pero tinataya na nasa 2.5 Million pesos ang halaga ng ari-arian na naabo.

Facebook Comments