Sunog sa Butuan City, umabot sa 2nd alarm

Butuan City – Sampung bahay ang nasunog sa Purok-5, Brgy. Bading, Butuan City kahapon, Agusto 31.
Nagsimula ang sunog alas 10:20 ng umaga at naapula bandang alas 11:10 ng umaga.
Sa ulat ni SFO4 Rodrigo Canton ng Bureau of Fire Protection aabot sa 6 hundred thousand pesos ang halaga ng ari-arian na natupok sa sunog na umabot sa 2nd alarm.
Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng sunog.
Ayon naman kay Albert Ramonida, isa sa mga biktima, madaling nasunog ang mga bahay dahil gawa ang mga ito sa light materials.

​ ​

Facebook Comments