Sunog Sa Cauayan City, Pinagkaguluhan!

Cauayan City, Isabela – Pinagkaguluhan ngayong araw ang naganap na sunog kaninang mga alas onse y medya ng umaga sa Rizal Avenue, Cauayan City, sa isang pwesto na lutuan ng pagkain.

Kaagad na rumisponde ang tatlong trak ng Bureau of Fire Protection o BFP Cauayan City, Rescue 922 at mga tauhan ng PNP Cauayan City.

Sa personal na pakikipag-ugnayan ng RMN News Team Cauayan sa mga BFP personnel ay hindi pa mabatid ang pinagmulan ng sunog na kaagad na naagapan sa loob ng sampung minuto lamang.


Ayon naman sa Rescue 922 at PNP, walang naitalang nasaktan o nasugatan sa naturang pangyayari ngunit naalarma agad ang nakapaligid sa nasabing pwesto kung saan naghakot o nag-alis na ng mga gamit partikular ang katabing pagupitan nito.

Facebook Comments