Sunog sa Central Post Office, umakyat na sa Task Force Alpha

Umakyat na sa Task Force Alpha ang sunog na nagaganap sa Central Post Office sa Maynila.

Nagsimula ang sunog ng-alas-dose ng hatinggabi na itinaas sa Task Force Alpha ng alas-4:37 ng madaling araw.

Kaugnay nito, mas maramimg truck ng bumbero ang rumeresponde sa nasabing sunog na halos higit apat na oras ng inaapula.


Sinasabing nagmula ang sunog sa ibabang bahagi ng gusali kung saan mabilis ma kumalat ang apoy.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pag-apula ng sunog ng mga tauhan mg Bureau of Fire Protection.

Facebook Comments