SUNOG SA DAVAO | May-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog, hindi na mahagilap

Davao City – Hindi na mahagilap ng mga otoridad ang may-ari ng bahay kung saan nagsimula ang sunog sa isang barangay dahil sa kwitis sa Davao City.

Ayon kay Barangay Captain Jay Aquino, inaalam na nilang kung paano nakapuslit ang kwitis na naging sanhi ng sunog gayong ipinagbabawal sa kanilang lalawigan ang paputok.

Pansamantalang nananatili ang 94 pamilyang nasunugan sa chapel na nirentahang multicab at sa Alexian Brothers Regional House Compound.


Bagaman nakapagbigay na ng inisyal na ayuda ang City Social Services And Development Office, hiling nila na mapabilis ang pinansiyal na ayuda ng gobyerno lalo’t pasukan na naman ang kanilang mga anak.





Facebook Comments