Sunog sa department store sa Cebu, higit labing-walong oras nang inaapula

Cebu City- Umabot na ng mahigit labing-walong oras at patuloy pa rin ang Firefighting Operation ng Bureau of Fire Protection sa Central Visayas sa nasunog na Metro Gaisano Department Store and Supermarket sa loob ng Ayala Center Mall sa Cebu.

Ilang kongkretong dingding na ng Metro Gaisano Department Store ang sinira at giniba ngayon ng mga bombero at ilang disaster team sa Cebu para mapasok pa ng ilang fire volunteers ang department store at maapula ang apoy sa loob na nagdudulot pa rin ng makapal na usok sa area na umabot na sa whole vicinity ng mall at karatig na mga lugar nito.

Patuloy pa rin itinaas ng Cebu City Disaster Risk Reduction And Management Office ang haze alert sa buong area dahil sa makapal at matindi pa rin na usok na lumalabas galing sa nasusunog na department store.


Napag-alamang nagsimula ang sunog sa Metro Gaisano Department Store and Supermarket sa third floor na bahagi bago mag-alas dies kagabi at sinegurado na rin ng disaster team sa Cebu na wala silang na-record na na-injured o na-trap sa loob ng department store matapos ligtas na na-evacuate ang lahat ng mga customer at empleyado sa naturang mall bago lumaki ang sunog.

Facebook Comments