Sunog sa Doña Imelda sa QC, kontrolado na

Alas otso ngayong umaga dineklara ng fire under control ang sunog na naganap sa Kapiligan Street, Barangay Doña Imelda sa Quezon City.

Nagsinulang kumalat ang apoy sa 2nd floor ng tatlong palapag na paupahan ni Bentoy Quinikito.

Ayon kay Fire Inspector Sherwin Piñafiel, inaalam pa nila ang sanhi ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.


Aabot sa 30 bahay ang natupok ng apoy kung saan tinatayang 150,000 pesos ang pinsala sa ari-arian.

Naging pahirapan ang pagresponde ng mga bombero dahil  tao lamang ang kakasya sa iskinitang papasok sa apektadong mga bahay.

Delikado din ang pagpasok sa iskinita dahil mabababa ang kawad ng kuryente kung saan maaari mo na itong masandalan.

Samantala, makikita sa pinangyarihan ng sunog ang mga pulis para matiyak na walang nakawan na mangyari dahil nagkalat sa kalsada ang mga naisalbang gamit ng mga residente.

Facebook Comments