
Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa naganap na sunog bandang 11:40 ng umaga kahapon, December 23, 2025, sa Barangay Luna sa Natividad, Pangasinan.
Batay sa salaysay ng isang 75-anyos na babaeng saksi, napansin niya na may nasusunog at nang kanyang tingnan ay tinupok na ng apoy ang isang bahay.
Dahil dito, agad itong humingi ng tulong at ipinaalam ang insidente sa mga awtoridad.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, idineklarang fire out ang sunog bandang alas-12:30 ng tanghali matapos ang pagresponde ng mga bombero sa lugar.
Ayon naman sa imbestigasyon, pagmamay-ari ng isang 54-anyos na lalaking faith healer at online seller na residente ng nasabing barangay.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at tinutukoy pa ang tinatayang halaga ng pinsala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









