Friday, January 16, 2026

Sunog sa isang residential area sa Tondo, Manila, naapula na

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa 272 Delpan Tondo, Maynila.

Nai-report ang sunog bandang alas-4:41 ng hapon at ideneklarang fire out alas-5:15 ng hapon.

Nagsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Soledad Ciudad kung saan limang bahay ang natupok.

Sa ngayon, inaalam pa ang dahilan ng sunog at halaga ng ari-ariang natupok.

Facebook Comments