Sunog sa Mega Tower sa Mandaluyong City, posibleng nagsimula sa air conditioning system – BFP

419

Hinihinalang nagsimula sa air conditioning unit ang sunog na sumiklab sa isang palapag ng Mega Tower, sa Brgy. Highway Hills, sa Mandaluyong City

Ayon kay Mandaluyong Fire Supt. Alberto de Baguio, may gumapang na apoy sa ducting installation ng air conditioning sa 25th floor ng gusali.

Nasa sampu ang na-rescue ng Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang na ang isang nasugatang construction worker na nagtamo ng sugat matapos mahulugan ng basag na salamin.


Batay sa pakikipag-ugnayan ng BFP sa may-ari ng SM, nailabas naman lahat ang mga construction worker

Nagsimula ang sunog 10:28 pero hindi pa dinedeklarang fire under control.

Facebook Comments