Sunog sa Metro Gaisano sa Ayala Center sa Cebu, itinaas pa sa task force bravo

Manila, Philippines – Mula sa task force alpha, itinaas na sa task force bravo ng Bureau of fire protection ang sunog sa Metro Gaisano sa loob nga Ayala Center sa Cebu.

Hanggang sa mga oras na ito , o halos labing limang oras na ang firefighting operation ng mga bumbero sa nasusunog na department store sa loob ng Ayala Mall.

Dahil nakataan na ang task force bravo, ito ay nangangahulugan na humihingi na ang BFP Cebu City nga karagdagang reinforcement ng mga firetrucks mula sa mga lungsod at bayan sa lalawigan ng Cebu.


Samantala, nagpalabas na rin ng advisory kaninang umaga ang management ng Ayala Center Cebu na bagamat naka-confine lang sa Metro Gaisano department store and supermarket ang sunog, patuloy na nakasara ang boung mall ngayong araw dahil sa nagpapatuloy na sunog sa Metro Gaisano .

Hinikayat ng Ayala Center Cebu ang publiko na manatiling nakaantabay sa sa karagdagan nitong mga pag abiso.

Facebook Comments