
Umabot sa ikalawang alarma kaninang 10:39 ng umaga ang sunog sa isang residential area sa Barangay Putatan, Muntinlupa City
Bago mag-alas-11 ng umaga, idineklara na itong fire under control.
Samantala, limang estudyante ang nagtamo ng minor injury habang isa naman ang isinugod sa ospital dahil sa nangyaring chemical explosion sa isang laboratory room ng isang pribadong paaralan sa Makati City kagabi.
Agad namang nabigyan ng lunas ang anim na senior high school student ng Mandaluyong Science High School na naki-gamit umano ng laborarory facility sa pribadong paaralan sa Makati.
Ayon sa Special Rescue Force ng Makati Fire Station, may traces ng maliit na sunog na posibleng galing sa maliit na pagsabog mula sa isang medical alcohol lamp.
Dagdag dito, kasalukuyan pa ring iniimbestigahan kung ano ang sanhi ng nasabing pagsabog.