Sunog sa National Children’s Hospital sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City, fire out na

Inilikas ang nasa 190 na pasyente nang magkasunog sa isang bahagi ng National Children’s Hospital sa E. Rodriguez, Quezon City.

Sa ikapitong palapag ng Building 3 nagsimula ang sunog.

Dinala ang ibang pasyente sa katapat na fastfood chain.


Ang iba naman ay pinalipat ng ibang gusali.

May ilang medical tests na naantala dahil nawalan ng kuryente.

Ilan sa mga pasyente ay naka-intubate pa o nakakabit sa respirator kaya mano-mano silang tinulungan para makahinga habang lumilikas.

Ayon kay SSUPT. Jaime Ramirez, fire marshal ng Quezon City, 10:28 ng umaga nagsimula ang sunog, umabot sa third alarm at ganap na naapula makalipas ang kalahating oras.

Nasa 200 libong piso ang halaga ng pinsala.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments