Davao City – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na lalabas ang katotohanan sa nangyaring sunog sa New City Commercial Complex Mall sa Davao City kung saan namatay ang 38 tao.
Bukod rito, tiniyak rin ng Pangulo na mabibigyan ng nararapat na kompensasyon ang mga biktima at handa ang gobyerno na ibigay ito.
Nilinaw naman ng Pangulo na all – accounted na ang mga biktima sa nangyaring sunog kaya’t tigilan na ang anomang ispekulasyon.
Samantala, natukoy na ang pagkakakilanlan ng 26 sa 38 taong nasawi sa sunog.
Sinabi naman ni Police Supt. Virginia Gucor, ang Assistant Regional Chief ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) region XI, malaking tulong ang mga na-recover na mga ID para mabilis na makilala ang mga biktima.
Habang isasailalim naman aniya sa DNA testing ang ibang labi.
Nabatid na asphyxia by suffocation secondary to carbon monoxide poisoning ang ikinamatay ng mga biktima.