Sunog sa Paco, Maynila, under control na

74
Photo: Radyoman Emman Mortega

Nasunog ang ilang kabahayan sa may bahagi ng Paco, Maynila.

Partikular sa Cristobal Street na sakop ng Brgy. 662, Zone-71.

Nagsimula ang sunog sa isang 2-storey na bahay ng alas-10:09 ng umaga kung saan agad itong itinaas sa ikalawang alarma.


 

Alas-11:35 ng umaga naman ng ideklarang under control ang sunog kung saan ilang truck ng bumbero at ng mga volunteer ang nagtulong-tulong para maapula ang apoy.

Maging ang mga residente at ilang kapitbahay ay tumulong na rin upang hindi na kumalat pa ang sunog.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin matukoy kung ilang bahay ang nadamay sa insidente maging kung saan ito nagsimula.



Facebook Comments