Sunog sa PGH, naapula na!

Naapula na ang sunog sa Philippine General Hospital, sa Taft Avenue, Maynila.

Batay sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), eksakto 4:30 ng hapon nang maapula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma bandang 3:45 ng hapon.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas- 03:08 ng hapon nagsimula ang sunog sa ward 1 ng PGH na katabi ng gusali ng mga doktor o medicine building, malapit sa blood bank ng ospital at chapel.


Samantala, sinabi ni Ferdinand Lales, administrative 3 officer ng PGH, na may nagwe-welding sa kinukumpuning gusali na malapit sa ward 1 nang biglang may sumabog at kasunod níto ang pagkalat ng usok sa gusali.

Ang mga pasyente naman aniya sa magkakalapit na ward 1, ward 2 at ward 3 ay mabilis na nailabas ng gusali.

Gayunpaman, hindi pa rin malinaw ang tunay na sanhi ng sunog at patuloy pang iniimbestigahan ng BFP.

Facebook Comments