Sunog sa San Juan, fire out na

Makalipas ang mahigit isang oras alas 8:40 ng umaga, ay idineklara ng fire out ang sunog na tumupok sa 2 bahay sa Ibunas St. Brgy. Onse, San Juan City.

Ayon kay San Juan BFP Fire Marshall Nelfa Cabrera, may kalumaan na ang bahay na nasunog na nagsimula mag-a-alas-7 ng umaga sa ground floor ng bahay na pagmamay-ari ng pamilya Val De Leon.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sa kabutihang palad ay hindi na kumalat pa sa mga katabing bahay.


Wala ring nasugatan o nasawi sa sunog pero nakapagtala naman sila ng isang senior citizen na nahirapang huminga at dinala sa San Juan Medical Center dahil sa low oxygen level.

Kinilala ito na si Hydee Val De Leon.

Base sa inisyal na impormasyon, isang electric fan na nagliyab ang pinagmulan ng apoy.

Tinataya namang nasa mahigit P400,000 ang pinsala ng sunog.

Facebook Comments