Sunog sa Tondo Maynila, tinatayang aabot sa ₱20-M ang pinsala; pag-apula sa nasusunog na gusali, pahirapan

Hindi pa rin tuluyan naaapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila ang sunog sa nadamay na building sa Benita Street sa Brgy. 186 sa Tondo, Manila.

Halos 10 oras ng inaapula ang apoy matapos magsimula ang sunog sa katabi nitong residential area kaninang ala-1:50 ng madaling araw.

Nanatili pa rin sa ikalawang alarma ang sunog kung 15 pamilya ang nawalan ng tirahan habang tinatayang aabot sa ₱20 milyon ang halaga ng pinsala.


Kabilang na rito ang isang gusali na pinag-iimbakan at patahian ng mga tela at damit.

Nabatid na pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa tambak na mga tela pero hindi pa naman nirerekomenda ng BFP Manila ang paggamit ng kemikal para tuluyan maapula ang sunog.

Napag-alaman naman na ang isa sa dalawang bumberong unang naitalang sugatan ay nabugbog ng mga residente sa hindi pa malamang dahilan habang nasa maayos nang kalagayan ang dalawang iba pa na nasugatan sa sunog.

Facebook Comments