Sunog sa Valenzuela, inilagay na sa 4th alarm

Inilagay na sa 4th alarm ang sunog na sumiklab sa isang bodega ng Packlink Industrial Corporation sa 18 Dizon Compound sa may G. Marcelo Street sakop ng Barangay Maysan, Valenzuela City.

Ang bodega ay pagmamay-ari ni Jose Yap at Robert Quintanar.

Pasado alas 5:00 ng umaga nang magliyab ang imbakan ng karton na mabilis na kumalat at nadamay ang mga katabing mga opisina.


Nadamay din na natupok ang apat na delivery van na may karga ring karton.

Halos bumagsak ang kabuoang bodega dahil sa sunog.

Pero tiniyak ng Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi na ito kakalat pa dahil kontrolado na ang sunog.

Facebook Comments