Monday, January 19, 2026

Sunog sa warehouse sa Caloocan City, kontrolado na

Makalipas ang mahigit limang oras, hindi pa rin tuluyang naaapula ang sunog sa Brgy. 95, Caloocan City.

Pahirapan ang pag-apula ng mga bumbero lalo’t mga flammable materials ang laman ng warehouse.

Nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng umaga kanina at iniakyat sa ikatlong alarma pasado alas-singko imedya.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), under control na ang sunog bago mag-alas nuwebe ngayong umaga.

Nananatili namang makapal ang itim na usok mula sa sunog habang inaalam pa ngayon ang sanhi ng apoy.

Facebook Comments