Inaapula pa rin ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) ang sunog sa isang warehouse sa Engineering Road sa Barangay Potrero sa Malabon City.
Unang idineklarang fire under control ang sunog bandang alas-5:10 ng umaga kung saan nagsimula ito ng ala-1:21 ng madaling araw.
Nabatid na inabot ng Task Force Alpha ang sunog, kung saan pawang mga parte ng bisikleta, gym equipment at iba pa ang nasunog sa warehouse.
Nasunog din ang katabi nitong warehouse na nasa loob ng compound at pawang natupok dito ang ibang parcel, tela, at gamit pambata.
Kwento ng mga bantay sa warehouse, hindi na umubra ang fire extinguishers dahil sa mabilis kumalat ang apoy kung saan tinatayang nasa ₱300-₱400 milyon ang halaga ng mga gamit na natupok.
Sa kasalukuyan, nagtutulong-tulong ng BFP-NCR at fire volunteers para tuluyan nang maapula ang sunog habang wala naman nadamay na katabing mga bahay.