Sunog sa warehouse sa Valenzuela City, posibleng ‘pananabotahe’

Duda ang isang opisyal ng nasunog na bodega ng Parclink Industrial Corporation na pananabotahe ang dahilan ng sunog na tumupok sa bodega nito sa Marcelo Street sakop ng Barangay Maysan, Valenzuela City.

Ayon kay Robert Quintanar, hindi basta nasusunog ang mga naka rolyong karton dahil balot ito sa bagay na mahirap silaban.

Pinaiimbistigahan naman ni Quintanar ang sumbong na isang empleyado ang pumasok at mabilis na lumabas  ilang minuto matapos na magkaroon ng  pagliyab.


Nagtataka din ang mga tauhang naka duty kung bakit hindi gumana ang smoke detector kung kaya hindi nagbuga ng tubig ang sprinkler.

Bagamat sariling opinyon ito ni Quintanar, kasama naman ito sa iimbistigahan ng BFP sa dahilan ng pinagmulan ng sunog.

Pasado alas 8:00 ng kaninang umaga ay nasa 4th alarm pa rin ang sunog na nagsimula pasado alas 5:00 ng umaga.

Facebook Comments