SUNOG | Sanggol, patay sa sunog sa Pangasinan

Manila, Philippines – Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagkasunog ng isang apartment sa Barangay Poblacion, Pozorrubio, Pangasinan kung saan namatay ang isang sanggol.

Sa ulat, nakita sa isang kwarto ang sunog na bangkay ng biktimang tatlong linggo pa lamang na si Andrea Quiana.

Sinasabing iniwan saglit ng kaniyang ina ang sanggol pero pagbalik nito ay malaki na ang apoy at hindi na nagawa pang mailigtas ang kaniyang anak.


Nabatid na sunog ang buong apartment at walang nailigtas na gamit sa loob.

Facebook Comments