Sunog, sumiklab sa barangay Niog Uno sa Bacoor, Cavite; Halos 100 pamilya, nawalan ng tirahan

Bacoor, Cavite – Aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa barangay Niog Uno sa Bacoor, Cavite.

Mabilis kumalat ang apoy sa may limampung dikit-dikit na bahay na gawa sa light materials kaya agad itinaas ang sunog sa ikaapat na alarma.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy pasado alas-siyete kagabi sa unang palapag ng bahay ng isang Annalyn Soriano kung saan electric short circuit ang sinasabing sanhi nito.


Higit kumulang isang oras din ang inabot bago naapula ng mga bombero ang apoy.

Sa covered court muna ng katabing barangay nagpalipas ang mga nasunugan, habang naghihintay ng ayuda sa lokal na pamahalaan.

Facebook Comments