Sunog, sumiklab sa Batasan Hills, Quezon City

Quezon City – Isang bahay ang nasunog sa Ilang-Ilang Street, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Alas-10:33 ng umaga ng magsimula ang sunog at dahil gawa sa light materials ang dalawang palapag na bahay agad itong itinaaas sa ikalawang alarma.

Mag-aalas onse naman ng ideklara itong fireout kung kaya’t hindi na nadamay pa ang magkabilang business establishments na katabi nito.


Patuloy naman inaalam ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-arian ang natupok.

Facebook Comments