Sunog sumiklab sa Brgy. Culiat, QC; 2nd alarm

Quezon City – Walong pamilya ang wala ngayong masilungan matapos na tupukin ng sunog ang apat na kabahayan sa Barangay Culiat, Quezon City.

Sa report ng BFP-QC, nagsimula ang sunog bandang 7:59 sa Salam compound sa Libyan Street.

Dahil gawa sa light material ang mga kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy na itinaas na sa 2nd alarm.


Dahil sa maagap na pagresponde ng iba’t-ibang kagawad ng pamatay sunog, naideklara itong fire out bandang 8:30 ng umaga.

Wala namang nasaktan sa nangyaring sunog.

Inaalam pa ng mga Arson investigator ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-arian na natupok.

Facebook Comments