![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2024/06/2-11.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Nasunog ang ilang bahagi ng isang mall sa Greenhills sa San Juan City kaninang umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-8:18 ng umaga sa gitnang bahagi ng mall kung saan naapektuhan ang ilang stall.
Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fire-out bandang alas-8:23 ng umaga.
Ini-imbestigahan na ng BFP ang sanhi ng sunog at ensaktong halaga ng mga ari-ariang napinsala.
Facebook Comments