
Inaalam na ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na sumiklab kagabi sa Palawan Street, kanto ng Mindanao Street, Sampaloc, Manila.
Nag-umpisa ang sunog dakong alas-10:39 ng gabi at itinaas sa unang alarma dakong alas-10:54 ng gabi.
Idineklara itong kontrolado ng Bureau of Fire Protection (BFP) pasado alas-11:44 ng gabi.
Agad namang nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng sunog.
Sa panayam ng DZXL News kay Aling Elizabeth Tiron, residenteng nasunugan, sinabi niyang nag-ugat ang sunog sa napabayaang e-bike na naka-charge.
Gayunman, patuloy pa ring inaalam ng BFP kung ito nga ang tunay na sanhi ng sunog.
Facebook Comments










