Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.
Nagsimula ang sunog pasado alas-6:00 ng umaga kung saan apektado ang Block 32 Extension.
Alas-7:30 kanina nang itaas ng Bureau of Fire Protection sa fourth alarm ang sunog.
Makalipas lang ang dalawampung minuto ay iniakyat na ito sa fifth alarm.
Tumutulong na rin sa pag-aapula ng apoy ang ilang fire volunteers at ang mismong mga residente sa lugar. – (This is a developing story.)
Facebook Comments