
Nakatanggap ng tawag ang Mapandan Police Station bandang alas nwebe ng gabi noong Agosto 10, 2025 ukol sa sunog na sumiklab sa Brgy. Luyan, Mapandan, Pangasinan.
Agad namang nakipag-ugnayan ang Mapandan PS sa BFP at nagtungo sa lugar ng insidente.
Ayon sa inisyal na ulat, alas nuebe impunto nang mapansin ng isang kapitbahay ang sunog na nagmumula sa terrace ng walang katao-taong bahay ng biktima.
Nasa P5,000 ang tinatayang pinsala nang naturang sunog.
Samantala, hanggang ngayon ay tinutukoy pa rin ang pinagmulan ng apoy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









