Sunog, sumiklab sa palapag ng building sa Maynila

Isang sunog ang sumiklab sa Balintawak Street, Tondo, Maynila bandang 6:56 a.m. ngayong umaga.

Ayon sa isang barangay tanod, nakitang may usok mula sa ikatlong palapag ng isang 10th floor na gusali na umano’y ginagamit bilang bodega.

Agad na rumesponde ang mga bumbero upang apulahin ang apoy kung saan inabot lamang ito ng unang alarma.

Alas-7:53 ng umaga nang ideklarang fireout ang sunog at wala naman naitalang nasawi o sugatan sa insidente.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng apoy at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang natupok.

Facebook Comments