SUNOG SUMIKLAB SA POULTRY FARM SA NATIVIDAD

Sumiklab ang sunog sa isang poultry farm sa Natividad, Pangasinan bandang mag-a-alas onse ng gabi noong Nobyembre 11.

Ayon sa ulat ng pulisya, pasado alas-11:35 nang matanggap ng Natividad Municipal Police Station ang impormasyon ukol sa nasabing insidente.

Agad silang nakipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) Natividad, na siyang unang rumesponde sa lugar.

Ang poultry farm ay inuupahan lamang ng isang negosyante mula Zambales.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog, habang inaalam din ng BFP ang kabuuang halaga ng pinsala.

Samantala, wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Facebook Comments