Sunog, sumiklab sa residential area sa Makati City

Patuloy na inaapula ang sunog na nangyari sa jp rizal kanto ng Varona Street sa Barangay Tejeros, Makati City.

Ayon kay Makati Fire Marshall Col. Roy Quisto, Nagsimula ang sunog alas-7:35 ng umaga kung saan umabot sa ika-apat alarma ang sunog.

Aabot sa labing walong bahay ang natupok at labing walong pamilya ang nawalan ng tirahan dahil pawang mga gawa sa ligth materials.


Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa kwarto ng bahay ni Laarni Villalva halos katapat lamang ng Holy Cross Parish.

Hindi pa naman matukoy ang pinagmulan ng insidente habang wala pa naman naitatala ang Makati Fire Protection na nasugatan sa sunog.

Facebook Comments