SUNOG | Sunog, sumiklab sa Navotas Fish Port

Manila Philippines -sumiklab ang sunog sa isang barko sa Navotas Fish Port kaninang umaga.

Ayon sa Bureau Of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-10:34 ng umaga at Umabot ng mahigit dalawang oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero.

Wala namang naiulat na sugatan sa nasabing insidente.


Inaalam pa ng mga awtoridad sa ngayon ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments