SUNOG | WAREHOUSE MALAPIT SA NAIA TERMINAL 1, NATUPOK

Manila, Philippines — Tumagal ng isang oras bago tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection ang sunog na sumiklab sa isang warehouse malapit sa NAIA terminal 1.

Sinabi ni Capt. Wilson Tana, chief arson ng Paranaque fire department, nagsimula ang sunog kaninang 5:46 ng umaga sa ikalawang palapag ng warehouse o sa tanggapan ng Expert Trans Forwarding na pagmamay-ari ng isang Rene Austria, sa Alejandro st, Barangay Vitalez.

Nadamay naman sa sunog ang bodega ng alak na nasa unang palapag ng warehouse na pagmamay-ari ng isang Ralph Lim Joseph.


6:45 ng umaga nang idineklarang fireout ang sunog.

Sa ngayon patuloy na innaalam ng arson investigator ang pinagmulan ng apoy

Wala naman iniulat na namatay o nasaktan sunog na umabot lamang hg ikalawang alarma.

Facebook Comments