Sunshine Cruz at Macky Mathay balak na nga bang magpakasal?

Matapos ang balitang hiwalayan ng aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang actor na asawa na si Cesar Montano noong January 2013. Ay nabuo naman ang relasyon nito sa businessman na si Macky Mathay noong September 2016. Si Macky ay hiwalay din sa kaniyang asawa na si Camille FariƱas, anak ng Ilocos Norte Representative na si Mr. Rudy FariƱas.
Inilarawan ni Sunshine si Macky bilang tipo ng boyfriend na hindi seloso. Inilahad din nito na kuntento na sila sa isa’t-isa at matanda na sila para sa mga away.
“Mag-41 na ako! Magbabagets-bagetsan pa ba tayo?”
Inilahad rin nito sa isang interview na hindi sila nagmamadali magpakasal ng boyfriend niyang si Macky at tatapusin muna nila ang mga bagay na dapat ayusin.
“We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado.”
“I’m busy with my kids and my work. He understands and supports me and my children in a way.”
“So i’m thankful that someone like him is there for me.”
Hindi rin daw inakala ng aktres na iibig siyang muli matapos ang hiwalayan nila ng kanyang first ever boyfriend na si Cesar.
Nang tanungin si Sunshine kung naniniwala parin ba syang importante ang kasal, ang nasagot nalamang ng aktres ay:
“Honestly for now, after my experience… Hahaha!
“We’ll see na lang talaga. Bahala na lang talaga si God sa kung anong mangyayari.
“Gusto ko na lang muna talaga maayos ang dapat maayos. And hopefully, darating naman iyan.”

Facebook Comments