Sunshine Cruz, umalma sa viral edited picture ng kanyang pamilya

Hindi nakapagpigil ang aktres na si Sunshine Cruz na mag-react sa nagva-viral na edited picture ng kanyang pamilya.

Ayon kay Sunshine, maituturing na ‘disgusting’ ang edited picture kasama ang kaniyang tatlong anak na babae, at boyfriend na si Macky Mathay.

Pinalitan kasi ng larawan ng isang adult entertainment actor ang photo ni Macky kung saan ang orihinal na larawan ay kuha mula sa Mother’s Day post ni Sunshine.


Hinikayat naman ni Sunshine ang kanyang followers na i-report ang social media pages na nag-upload ng nasabing edited photo.

Matatandaang maliban sa nangyari, nagsalita rin si Sunshine noong isang taon laban sa ilang Facebook users na tinawag niyang mga “sexual predators.”

Facebook Comments