Sunshine Dizon, pabor sa divorce

Diretsahang inamin ni Sunshine Dizon na pabor siya sa pagkakaroon ng divorse law sa Pilipinas.

Say ng aktres, normal sa mga tao na ma-fall out of love at para sa kanya hindi kailangan ng psychological reason para lang maghiwalay ang dalawang tao.

Dagdag niya, ang divorce law ay magbibigay ng kalayaan sa isang tao na magmahal at makapagsimula ulit.


Taong 2016 nang maghiwalay sina Sunshine at Timothy Tan dahil sa third party.

Sa kabila nito, nagpapasalamat ang aktres na maayos na nagagampanan ng kanyang dating asawa ang tungkulin bilang ama sa dalawa nilang anak sa gitna ng co-parenting setup.

Facebook Comments