SUNTUKAN SA COURT | PBA, aapela sakaling patawan ng suspension ang ilang Gilas players

Manila, Philippines – Plano ng Philippine Basketball Association (PBA) na umapela sakaling patawan ng sanction ng FIBA ang mga Gilas Pilipinas players na huwag munang maglaro sa liga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, dedepende pa din sila sa magiging resulta ng imbestigasyon ng FIBA hinggil sa nangyaring rambol sa pagitan ng Gilas at Australian players noong Lunes ng gabi.

Posible kasing maharap sa sanctions ang mga Gilas players na sina RR Pogoy, Terrence Romeo, Jayson Castro, Troy Rosario, Calvin Abueva, Matthew Wright, Carl Bryan Cruz at Allein Maliksi matapos na masangkot sa gulo bukod pa kay Andray Blatche.


Kagabi ay ipinatawag ni Marcial ang mga Gilas players para sa  isang closed-door meeting at kaniya itong binalaan na huwag nilang uulitin ang nasabing insidente sa PBA.

Matatandaan na una nang pinatawan ng 18 months suspension sa paglalaro sa international games at sa PBA si Kiefer Ravena matapos gumamit ng ipinagbabawal na substance sa ilalim ng FIBA.

Facebook Comments