Sunud-sunod na aftershocks,  naitatala ng Phivolcs kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, North Cotabato.

Nakapagtala  ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng sunod sunod na aftershocks kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, North Cotabato.

 

Ayon kay Julius Galdiano, Science Research Analyst ng Phivolcs, umabot na sa 81 ang bilang ng mga naitalang aftershocks simula kaninang ala una ng hapon.

 

Ang mga magnitude ng mga naramdamang aftershocks ay may lakas na nasa pagitan ng 2.5 at 4.0.


 

Mula sa 81 na aftershocks, 56 ang plotted habang labintatlong ang felt o naramdaman ng mga residente.

 

Halos lahat  ng aftershocks ay naitala sa Tulunan, North Cotabato.

 

Maaring magtagal pa ang mga aftershocks sa loob ng ilang lingo.

Facebook Comments