Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) volcanic ang origin ng mga pagyanig dahil sa aktibidad ng bulkan.
Naganap ang sunod-sunod na lindol bandang alas-diyes-y-medya ng umaga kanina at natapos ng alas-onse singkwenta’y uno ng tanghali.
Naitala ang unang pagyanig sa Bauan na may magnitude 3.2; at pitong magkakasunod na lindol naman sa mabini na naglalaro sa magnitude 3.2 hanggang 4.6
Sa nasabing mga pagyanig, may naitalang intensity sa pagitan ng intensty 1 hanggang 3.
Maliban sa bauan at mabini, naramdaman din ang mga pagyanig sa iba pang bayan sa batangas gaya ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas, Taal at Calatagan.
Facebook Comments