Supensyon sa pagpapawalang bisa sa VFA, pinalawig pa ni Pangulong Duterte ng anim na buwan – DFA

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang anim na buwan ang suspensyon sa pagpapawalang bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Ayon kay Locsin, layunin nitong bigyan ng panahon ang dalawang bansa na bumuo ng ‘mutully beneficial,’ ‘mutually agreeable,’ epektibo at pangmatagalang kasunduan.


Sa video message kay White House National Security Advisor Robert O’Brien, sinabi ni Locsin na magpapadala siya ng diplomatic note hinggil sa extension ng suspensyon ng VFA abrogation.

Binanggit ni Locsin ang pagpapanatili ng bansa ng katatagan at seguridad sa South China Sea.

Nitong Pebrero, inatasan ni Pangulong Duterte si Locsin na magpadala ng notice of termination sa US Embassy sa Manila bilang tugon sa kanselasyon ng US Visa ni Senator Ronald Dela Rosa.

Pero nitong Hunyo, sinuspinde ng Pangulo ang termination ng VFA sa loob ng anim na buwan at nakatakda sanang mapaso ngayong araw.

Facebook Comments