SUPER BLUE BLOOD MOON | Ilang Pinoy celebrity, hindi rin nagpahuli sa panonood

Manila, Philippines – Hindi rin nagpahuli ang ilang Pinoy celebrities sa panonood ng “Super Blue Blood Moon” kagabi.

Sa kani-kanilang mga social media account, ibinahagi ng mga artista ang mga kuha nilang larawan ng buwan.

Naging family bonding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang panonood ng three astronomical phenomenon sa labas ng kanilang bahay.


Trending naman ang hashtag na “mabuhay ang mga bampira” ng aktor na si Richard Gutierrez na tamang-tama sa role niyang bampira sa teleserye na ‘La Luna Sangre’.

May kanya-kanyang hugot din sa pagpo-post ng larawan ng Super Blue Blood Moon sina Michael V., Neil Arce, Jason Abalos at Jackie Rice.

Facebook Comments