
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naitala na rin sa Pilipinas ang mga kaso ng tinatawag na “super flu” na kumakalat sa United Kingdom at Estados Unidos.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na umabot na sa 17 ang naitalang kaso sa bansa na karamihan sa Metro Manila.
Nilinaw naman ni Herbosa na lahat ng ito ay naitala pa noong Hulyo at Agosto at gumaling na ang mga pasyente.
Ayon kay Herbosa, hindi ito dapat ikabahala ng publiko dahil walang banta ng outbreak sa ngayon.
Gayunman, nagpaalala ang DOH sa mga Pilipinong bibiyahe patungong UK at US na maging maingat dahil may bagong variant ng flu na kumakalat doon. Inirerekomenda rin ang pagpapaturok ng Northern Hemisphere flu vaccine bilang dagdag proteksiyon.










