SUPER HEALTH CENTER, ITATAYO SA BRGY. DABBURAB

CAUAYAN CITY – Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Barangay Dabburab sa proyekto ni Sen. Bong Go na magtatayo ng Super Health Center sa kanilang lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Melvin Sarandi, sinabi niyang ang kanilang barangay ang isa sa mga pinakaangkop na lokasyon para sa health center dahil madaling ma-access ito ng mga residente ng Tabacal Region.

Plano rin ni Sen. Bong Go na gawing mini hospital ang naturang health center, kung saan magkakaroon ng mga x-ray machine at pasilidad para sa panganganak.


Kapag natapos ang proyekto, hindi na kinakailangang magtungo ang mga residente sa malalayong pagamutan para makakuha ng kinakailangang serbisyong medikal.

Samantala, inaasahang masisimulan ang konstruksyon ng proyekto sa buwan ng Marso, matapos maani ang mga palay sa lugar na pagtatayuan ng health center.

Facebook Comments