SUPER HEALTH CENTER SA SAN FABIAN, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

Bukas na ang Super Health Center sa Barangay Cayanga sa bayan ng San Fabian upang magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan tulad ng konsultasyong medikal para sa mga residente at mga kalapit na lugar.

Sa inilabas na pahayag ng lokal na pamahalaan, ang pasilidad ay magbubukas tuwing Martes at Huwebes.

Ayon sa anunsyo, ang pagbubukas ng Super Health Center ay bahagi ng pagpapalawak ng mga pasilidad pangkalusugan upang maging mas accessible sa publiko ang serbisyong medikal.

Pinapayuhan ang mga nais magpakonsulta na dumiretso sa nasabing pasilidad sa mga itinakdang araw ng operasyon.

Samantala, nagpabatid naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan at inihayag ang patuloy na programa para sa maayos na kalusugan ang bawat mamamayan sa bayan.

Facebook Comments