Patuloy na nadaragdagan ang binubuksang Super Health Centers sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan upang pagtibayin ang tugon sa pangangailangan sa serbisyo medikal sa mga komunidad.
Sa San Quintin, pormal nang pinaandar ang konstruksyon ng Super Health Center sa Barangay Ungib, bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Eastern Pangasinan.
Ibinida ng lokal na pamahalaan na ang naturang pasilidad ay magbibigay ng mas pinalawak na serbisyong medikal para sa mga residente, lalo na sa mga barangay na malalayo sa ospital.
Sa ilalim ng Super Health Center, inaasahang magkakaroon ng mga serbisyong tulad ng medikal check-up, laboratory services, basic diagnostic procedures at iba pa.
Samantala, sa bayan ng Calasiao, malapit na ring matapos ang Super Health Center sa Barangay Dinalaoan.
Habang pormal nang binuksan noong nakaraang buwan ang parehong pasilidad sa San Fabian na kasalukuyan nang nagbibigay-serbisyo sa mga residente.
Sa patuloy na pagdami ng mga Super Health Center sa Pangasinan, inaasahang mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng acces sa medical services sa mga bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










