Super spreader events at pagtaas ng mobility ng mga tao, itinuturong dahilan ng muling pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lungsod sa NCR

Maaaring i-attribute sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang delay na vaccine delivery.

Pero ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kung mayroon mang nakaapekto nang malaki sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ito ay ang pagtaas ng mobility ng mga tao at mga nangyayaring super spreader events.

Kaugnay nito, hinikayat ng kalihim ang mga lokal na pamahalaan na higpitan ang pagpapatupad ng public health protocols.


“Alam na natin yan e, isang taon mahigit na nating nararanasan yang mga superspreader events, yung humihina muli na pagtalima sa mga minimum public health standards, yung iba na kapag nabakunahan e ‘wag ho kayong magluluwag ng inyong proteksyon,” ani Duque sa interview ng RMN Manila.

Matatandaang, tinukoy ng DOH ang Makati at San Juan bilang “high-risk” base sa naitalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo habang tumaas din ang kaso sa mga lungsod ng Maynila, Las Piñas, Muntinlupa, Mandaluyong Malabon at Navotas.

Facebook Comments